“Ang mga butanding ay lumilipat-lipat ng lugar para maghanap ng pagkain at para makapagparami.”, ito ay ayon sa Wikipedia. Isa sa mga lugar na gustong gusto bisitahin ng mga butanding ay ang kilalang ‘whale shark-receptive’, ang Bicolano na lungsod ng Donsol, Sorsogon, lalong-lalo na tuwing buwan ng Nobyembre hanggang Hunyo.”
Ang Kasaysayan ng Butanding sa Donsol
Ang mga butanding ay lampas na sa isang daang taon na naninirahan sa lungsod ng Donsol. Akala ng karamihan sa mga naninirahan doon ay delikado ang mga hayop na ito hanggang sila ay nakapagsagawa ng pagsisid noong ika-26 ng Disyembre na pinangungunahan ni Romil Aglugub at nakapagpatunay na ang mga hayop na ito ay may pagkakapareho sa mga karakter ng isang Disney Animated Film, na pinamagatang Monsters’ Inc. Ang mga karakter nito ay malalaki at nakakatakot ngunit magiliw at mahilig makipagkaibigan. Noong Marso 1998, nagging world-class na pasyalan ng mga turista ang Donsol at kinilala bilang “Whale Shark Capital of the World”.
Pagmasid sa mga Butanding, o sa mas madaling salita,
‘Paghahabol’
Ang isa sa mga magandang bagay sa Donsol ay ang pagsisilbing lugar upang magkita-kita ang mga tao at Butanding. (Ang pagsisilbing lugar upang magkita-kita ang mga tao at Butanding ay isa sa mga magandang bagay sa Donsol.) Ito ay lugar kung saan ang dalawang magkakaiba ang uri na pinangalingan ay maaring makisalamuha sa isa’t isa. Ito ay lugar kung saan ang mga gaya natin ay maaring makakuha ng impormasyon tungkol sa mga Butanding sa paraan na kailangan mo magsikap upang malapitan ito. Kahit na kailangan mo gamitin ang buong lakas at kakayahan mo upang makipaglaro ng cat-and-mouse sa napakalaking isda na ito, ang ganitong paraan rin naman ay nagbibigay ng pagkakataon sa atin upang mamangha sa kagandahan ng mga Butanding habang hindi sila masyadong naiistorbo. Ang pakikipagsalamuha sa mga Butanding ay may hangganan, ito ay kontrolado ng Department of Tourism. Ang mga patakaran ng WWF ay mahigpit na ipinaiiral. Ang mga patakarang ito ay kadalasan makikita sa mga pumpboats, at sa mga opisina na sakop ng buong lugar.
Ganito ang buong sistema sa pagpapatakbo ng Whale Shark Watching sa Donsol, anim ang pinakamataas na bilang ng mga turista ang maaring payagan na sumakay sa isang pumpboat. Ang bawat pumpboat ay may grupo na binubuo ng dalawang (2) tagabantay (sila ang tagamasid kung may mga Butanding na malapit), isang piloto (siya ang nagmamaneho ng Bangka) at isang tour guide o tagasisid (sinasamahan niya ang turista). Ang mga sisisid sa dagat ay kailangan nakasuot ng tamang kasuotan (snorker, masks, flippers, life vest). Maari rin naman piliin ng turista na hindi magsuot ng life vest. Dahil ito ay maaring maging sanhi ng iyong pagbagal kapag sinusundan mo ang Butanding. Kapag nakakita na ang tagabantay ng Butanding, agad niyang ituturo ang direksyon sa piloto upang mailapit ang bangka sa lugar kung saan maaaring malapitan na makasalamuha ng mga turista ang Butanding. Kapag nawala na ang Butanding, maari na sila bumalik sa Bangka at maghanap ulit. Paulit-ulit lang ang proseso na ito hanggang mapagdesisyunan ng turista na umuwi na lamang, o kapag sa tingin nila ay wala nang magpapakita na Butanding malapit sa baybayin ng Donsol. Maari rin kumuha ng litrato ng mga Butanding, ngunit dapat natin tandaan na huwag gumamit ng flash dahil maari itong maka distorbo sa kanila.
Paano Pumunta sa Donsol
Isa sa mga pinakamadaling paraan upang makapunta sa Donsol
ay ang pagsakay ng eroplano papuntang Legazpi at mag van galing Legazpi
papuntang Donsol.
Pagdating sa Donsol, maari kang mag rehistro sa kanilang opisina (maari kang mag tanong-tanong sa mga naninirahan doon kung saan ito matatagpuan) sa halagang 100PHP para sa mga Philippine locals at 300PHP para sa mga turista, at pumpboat sa halagang 3500PHP na maaring gamitin ng anim (6) na tao. Pwede mo rin ibahagi ang babayaran para sa pumpboat sa ibang mga turista na pupunta upang mag Whale Shark Watching.
May mga madaling araw at hapon na oras ng paglilibot (7am – 11am at 1-3pm).
At ang pag paparehistro naman ay tuwing 7 ng umaga hanggang 2 ng hapon.
Pagdating sa Donsol, maari kang mag rehistro sa kanilang opisina (maari kang mag tanong-tanong sa mga naninirahan doon kung saan ito matatagpuan) sa halagang 100PHP para sa mga Philippine locals at 300PHP para sa mga turista, at pumpboat sa halagang 3500PHP na maaring gamitin ng anim (6) na tao. Pwede mo rin ibahagi ang babayaran para sa pumpboat sa ibang mga turista na pupunta upang mag Whale Shark Watching.
May mga madaling araw at hapon na oras ng paglilibot (7am – 11am at 1-3pm).
At ang pag paparehistro naman ay tuwing 7 ng umaga hanggang 2 ng hapon.
Kagamitan na pang Snorkel
May tindahan rin na nagpaparenta ng mga fins at snorkels. Ito ay
malapit lang sa opisina kung saan ka magpaparehistro. 150PHP para sa isang
pares ng fins at 150PH para sa snorkel at mask.
Mga Maaring Tuluyan
Book at Vitton Beach
Hotel, it’s the nicest looking inn near the registration office for Whale
Shark Watching.
Room rates (as of
April 2012)
VITTON BEACH RESORT
ROOMS A D RATES
Single Deluxe –
includes 1 queen size bed. Good for 2. 2,200 Php
(20 Rooms Available)
Standard –
includes 2 double size beds. Good for 4. 2,200 Php
(17 Rooms Available)
Double Deluxe –
includes 2 double size beds. Good for 4 . 3,200 Php
(10 Rooms Available)
Family – includes
2 queen size beds, living room and kitchenette. Good for 4. 3,700 Php
Pagkain
Ang pagkain galing Vitton Beach Hotel ay di ganon ka sarap
para sa ipinatong na presyo sa kanilang pagkain. Ngunit ang magandang balita ay
mayroong karendirya na matatagpuan sa lungsod ng Donsol, ito ay malapit sa Municipal
Hall at parke. Maari kang magtanong tanong sa mga magigiliw na residente
kung saan matatagpuan ang ‘Red’s Carenderia’ at dadalhin ka nila doon. Ang
Red’s Carenderia ay nagbebenta ng pinaka masarap na Bicol express na aking
natikman.
Buod
Ang Donsol, Sorsogon ang pinaka magandang lugar na puntahan
sa Pilipinas upang mag Whale Shark
Watching. Ang mga paglilibot ng madaling araw tuwing buwan ng Nobyembre
hanggang Enero ay mas inirerekomenda dahil mas maraming mga Butanding ang
matatagpuan. At kung ikaw naman ay nagugutom, wag kalimutang dumaan sa Red’s.
Mas maganda kung maraming beses kayo pumalaot kung gusto mo talagang makita ang mga Butanding ng malapitan.
Mas maganda kung maraming beses kayo pumalaot kung gusto mo talagang makita ang mga Butanding ng malapitan.
No comments:
Post a Comment